Awit 119

Sinusunod ko ang lahat ng inyong mga tuntunin, kaya kinamumuhian ko ang lahat ng masamang gawain.

Psalm 119:128 (UKJV) Therefore I esteem all your precepts concerning all things to be right; and I hate every false way.

126Panginoon, ito na ang panahon para kayo ay kumilos, dahil nilalabag ng mga tao ang inyong kautusan.

127Pinahahalagahan ko ang inyong mga utos, nang higit pa kaysa sa ginto o pinakadalisay na ginto.

128Sinusunod ko ang lahat ng inyong mga tuntunin, kaya kinamumuhian ko ang lahat ng masamang gawain.

129Kahanga-hanga ang inyong mga turo, kaya sinusunod ko ito nang buong puso.

130Ang pagpapahayag ng inyong mga salita ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng tao at karunungan sa mga kulang sa kaalaman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.