Awit 119

Akoʼy pansamantala lang dito sa sanlibutan, kaya ipaliwanag ninyo sa akin ang inyong mga utos.

Psalm 119:19 (UKJV) I am a stranger in the earth: hide not your commandments from me.

17Ipadama ninyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod, upang patuloy akong makasunod at makapamuhay ayon sa inyong salita.

18Buksan ninyo ang aking isipan upang aking maunawaan ang kahanga-hangang katotohanan ng inyong kautusan.

19Akoʼy pansamantala lang dito sa sanlibutan, kaya ipaliwanag ninyo sa akin ang inyong mga utos.

20Sa lahat ng oras ay naghahangad ako na malaman ang kautusan ninyo.

21Ang mga hambog ay sinasaway ninyo at isinusumpa ang mga lumalabag sa mga utos ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.