Awit 119

Hindi sila gumagawa ng masama sa halip ay sumusunod sa mga pamamaraan ng Diyos.

Psalm 119:3 (UKJV) They also do no iniquity: they walk in his ways.

1Mapalad ang taong namumuhay nang walang kapintasan, at naaayon sa utos ng Panginoon.

2Mapalad ang taong sumusunod sa mga katuruan ng Diyos, at buong pusong hinahanap ang kanyang kalooban.

3Hindi sila gumagawa ng masama sa halip ay sumusunod sa mga pamamaraan ng Diyos.

4Panginoon, ibinigay ninyo sa amin ang inyong mga tuntunin upang itoʼy matapat naming sundin.

5Labis kong ninanais na maging tapat sa pagsunod sa inyong mga tuntunin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.