Awit 119

Pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga utos, dahil pinapalawak ninyo ang aking pang-unawa.

Psalm 119:32 (UKJV) I will run the way of your commandments, when you shall enlarge my heart.

30Pinili ko ang tamang daan, gusto kong sumunod sa inyong mga utos.

31Panginoon, sinunod ko ang inyong mga turo, kaya huwag ninyong papayagang mapahiya ako.

32Pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga utos, dahil pinapalawak ninyo ang aking pang-unawa.

33Panginoon, ituro ninyo sa akin ang inyong mga tuntunin, at habang nabubuhay, itoʼy aking susundin.

34Bigyan ninyo ako ng pang-unawa sa inyong kautusan, at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.