Awit 119

Bigyan ninyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman.

Psalm 119:36 (UKJV) Incline my heart unto your testimonies, and not to covetousness.

34Bigyan ninyo ako ng pang-unawa sa inyong kautusan, at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan.

35Pangunahan ninyo ako sa aking pagsunod sa inyong mga utos, dahil ito ang aking kasiyahan.

36Bigyan ninyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman.

37Ilayo ninyo ako sa mga bagay na walang kabuluhan. Ingatan ninyo ang aking buhay ayon sa inyong pangako.

38Tuparin ninyo ang inyong ipinangako sa akin na inyong lingkod, na ipinangako ninyo sa mga may takot sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.