Awit 119

Tuparin ninyo ang inyong ipinangako sa akin na inyong lingkod, na ipinangako ninyo sa mga may takot sa inyo.

Psalm 119:38 (UKJV) Establish your word unto your servant, who is devoted to your fear.

36Bigyan ninyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman.

37Ilayo ninyo ako sa mga bagay na walang kabuluhan. Ingatan ninyo ang aking buhay ayon sa inyong pangako.

38Tuparin ninyo ang inyong ipinangako sa akin na inyong lingkod, na ipinangako ninyo sa mga may takot sa inyo.

39Alisin ninyo ang mga kahihiyan na aking kinatatakutan, dahil ang inyong mga tuntunin ay pawang kabutihan.

40Gusto kong sundin ang inyong mga tuntunin. Sa inyong katuwiraʼy, ingatan ninyo ang aking buhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.