Awit 119

Napakabuti ninyo at mabuti ang inyong mga gawa. Ituro ninyo sa akin ang inyong mga tuntunin.

Psalm 119:68 (UKJV) You are good, and do good; teach me your statutes.

66Bigyan ninyo ako ng kaalaman at karunungan, dahil nagtitiwala ako sa inyong mga utos.

67Nang akoʼy hindi pa ninyo pinarurusahan, akoʼy lumayo sa inyo, ngunit ngayoʼy sinusunod ko na ang inyong mga salita.

68Napakabuti ninyo at mabuti ang inyong mga gawa. Ituro ninyo sa akin ang inyong mga tuntunin.

69Kahit na akoʼy sinisiraan ng mga taong mapagmataas, buong puso ko pa ring tinutupad ang inyong mga tuntunin.

70Hindi sila nakakaunawa ng inyong kautusan, ngunit akoʼy sumusunod sa inyong mga utos nang may kagalakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.