Awit 119

Kahabagan ninyo ako upang patuloy akong mabuhay, dahil nagagalak akong sumunod sa inyong kautusan.

Psalm 119:77 (UKJV) Let your tender mercies come unto me, that I may live: for your law is my delight.

75Panginoon alam kong matuwid ang inyong mga utos. At dahil kayo ay matapat, akoʼy inyong dinisiplina.

76Sanaʼy aliwin ninyo ako ng inyong pagmamahal ayon sa pangako ninyo sa akin na inyong lingkod.

77Kahabagan ninyo ako upang patuloy akong mabuhay, dahil nagagalak akong sumunod sa inyong kautusan.

78Mapahiya sana ang mga mapagmataas dahil sa paninira nila sa akin. Subalit ako ay magbubulay-bulay ng inyong mga tuntunin.

79Magsilapit sana sa akin ang mga may takot sa inyo at nakakaalam ng inyong mga turo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.