Awit 119

Mapahiya sana ang mga mapagmataas dahil sa paninira nila sa akin. Subalit ako ay magbubulay-bulay ng inyong mga tuntunin.

Psalm 119:78 (UKJV) Let the proud be ashamed; for they dealt perversely with me without a cause: but I will meditate in your precepts.

76Sanaʼy aliwin ninyo ako ng inyong pagmamahal ayon sa pangako ninyo sa akin na inyong lingkod.

77Kahabagan ninyo ako upang patuloy akong mabuhay, dahil nagagalak akong sumunod sa inyong kautusan.

78Mapahiya sana ang mga mapagmataas dahil sa paninira nila sa akin. Subalit ako ay magbubulay-bulay ng inyong mga tuntunin.

79Magsilapit sana sa akin ang mga may takot sa inyo at nakakaalam ng inyong mga turo.

80Sanaʼy masunod ko nang buong puso ang inyong mga tuntunin upang hindi ako mapahiya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.