Awit 119

Ang inyong katapatan ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi. Matibay ninyong itinatag ang mundo, kaya itoʼy nananatili.

Psalm 119:90 (UKJV) Your faithfulness is unto all generations: you have established the earth, and it abides.

88Ingatan ninyo ang aking buhay ayon sa inyong pag-ibig sa akin, upang masunod ko ang mga turo na ibinigay ninyo.

89Panginoon, ang salita nʼyo ay mananatili magpakailanman; hindi ito magbabago tulad ng kalangitan.

90Ang inyong katapatan ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi. Matibay ninyong itinatag ang mundo, kaya itoʼy nananatili.

91Ang lahat ng bagay ay nananatili hanggang ngayon ayon sa inyong nais. Dahil ang lahat ng bagay ay sumusunod sa inyo.

92Kung ang inyong kautusan ay hindi nagbibigay sa akin ng kaaliwan, namatay na sana ako dahil sa paghihirap na dinanas ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.