Awit 119

Mas marami ang aking naunawaan kaysa sa aking mga guro, sapagkat lagi kong pinagbubulay-bulayan ang inyong mga katuruan.

Psalm 119:99 (UKJV) I have more understanding than all my teachers: for your testimonies are my meditation.

97Labis kong iniibig ang inyong kautusan. Palagi ko itong pinagbubulay-bulayan.

98Ang inyong mga utos ay nasa puso ko, kaya akoʼy mas marunong kaysa sa mga kaaway ko.

99Mas marami ang aking naunawaan kaysa sa aking mga guro, sapagkat lagi kong pinagbubulay-bulayan ang inyong mga katuruan.

100Higit pa ang aking pang-unawa kaysa sa matatanda, sapagkat sumusunod ako sa mga tuntunin ninyo.

101Iniiwasan ko ang masamang pag-uugali, upang masunod ko ang inyong mga salita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.