1Panginoon, tulungan po ninyo kami, dahil wala nang tapat sa inyo, at wala na ring naninindigan sa katotohanan.
2Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa. Nambobola sila upang makapandaya ng iba.
3Patigilin sana ng Panginoon ang mga nambobola, at ang mga mayayabang.