1Panginoon, tulungan po ninyo kami, dahil wala nang tapat sa inyo, at wala na ring naninindigan sa katotohanan.
2Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa. Nambobola sila upang makapandaya ng iba.
3Patigilin sana ng Panginoon ang mga nambobola, at ang mga mayayabang.
4Sinasabi nila, “Sa pamamagitan ng aming pananalita ay magtatagumpay kami. Sasabihin namin ang gusto naming sabihin, at walang sinumang makakapigil sa amin.”
5Sinabi ng Panginoon, “Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha, at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap. Kayaʼt ibibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang kaligtasan.”