5Sinabi ng Panginoon, “Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha, at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap. Kayaʼt ibibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang kaligtasan.”
6Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan, gaya ng purong pilak na pitong ulit na nilinis sa nagliliyab na pugon.
7Panginoon, nalalaman namin na kami ay inyong iingatan, at ilalayo sa masamang henerasyong ito, magpakailanman.
8Nagkalat ang mga masasamâ, at pinupuri pa ng lahat ang kanilang kasuklam-suklam na gawa.