Awit 12

Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan, gaya ng purong pilak na pitong ulit na nilinis sa nagliliyab na pugon.

Psalm 12:6 (UKJV) The words of the LORD are pure words: as silver tried in a furnace of earth, purified seven times.

4Sinasabi nila, “Sa pamamagitan ng aming pananalita ay magtatagumpay kami. Sasabihin namin ang gusto naming sabihin, at walang sinumang makakapigil sa amin.”

5Sinabi ng Panginoon, “Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha, at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap. Kayaʼt ibibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang kaligtasan.”

6Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan, gaya ng purong pilak na pitong ulit na nilinis sa nagliliyab na pugon.

7Panginoon, nalalaman namin na kami ay inyong iingatan, at ilalayo sa masamang henerasyong ito, magpakailanman.

8Nagkalat ang mga masasamâ, at pinupuri pa ng lahat ang kanilang kasuklam-suklam na gawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.