5Dito sa Jerusalem ang hukuman ng mga hari na mula sa angkan ni David.
6Idalangin ninyo na maging mabuti ang kalagayan ng Jerusalem: “Umunlad sana ang nagmamahal sa bayan na ito.
7Magkaroon sana ng kapayapaan sa loob ng Jerusalem at kaunlaran sa palasyo nito.”
8Alang-alang sa aking mga kamag-anak at mga kaibigan, sasabihin ko sa Jerusalem, “Sumainyo ang kapayapaan.”
9Alang-alang sa templo ng Panginoon na ating Diyos, mananalangin ako para sa kabutihan at kaunlaran ng Jerusalem.