2“Maraming beses nila kaming pinahirapan mula pa nang itatag ang aming bansa. Ngunit hindi sila nagtagumpay laban sa amin.
3Sinugatan nila nang malalim ang aming likod, na parang lupang inararo.
4Ngunit ang Panginoon ay matuwid, pinalaya niya kami sa pagkaalipin mula sa masasamâ.”
5Magsitakas sana dahil sa kahihiyan ang lahat ng namumuhi sa Zion.
6Matulad sana sila sa damong tumutubo sa bubungan ng bahay, na nang tumubo ay agad ding namatay.