1Hanggang kailan Panginoon? Habambuhay ba ninyo akong kalilimutan? Hanggang kailan ninyo ako tatalikuran?
2Hanggang kailan ko dadalhin itong aking mga pangamba? Ang kalungkutan sa puso ko, kailan ito mawawala? Hanggang kailan ba ako matatalo ng aking mga kaaway?
3Panginoon kong Diyos, bigyan nʼyo ako ng pansin; sagutin nʼyo ang aking dalangin. Ibalik po ninyo ang ningning sa aking mga mata, upang hindi ako mamatay