Awit 135

Pinatay niya ang mga anak na panganay ng mga Ehipsiyo; pati na ang mga panganay ng kanilang mga hayop.

Psalm 135:8 (UKJV) Who stroke the firstborn of Egypt, both of man and beast.

6Ginagawa ng Panginoon ang anumang nais niya sa langit, sa lupa, sa dagat at sa kailaliman.

7Dinadala niya paitaas ang mga ulap mula sa malalayong dako ng mundo, at ipinadala ang kidlat na may kasamang ulan. Inilabas din niya ang hangin mula sa kinalalagyan nito.

8Pinatay niya ang mga anak na panganay ng mga Ehipsiyo; pati na ang mga panganay ng kanilang mga hayop.

9Gumawa rin siya dito ng mga himala at mga kahanga-hangang bagay upang parusahan ang Faraon at ang lahat niyang mga lingkod.

10Winasak niya ang maraming bansa, at pinatay ang kanilang makapangyarihang mga hari,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.