1Nang maalala namin ang Zion, umupo kami sa pampang ng mga ilog ng Babilonia at umiyak.
2Isinabit na lang namin ang aming mga alpa sa mga sanga ng kahoy.
3Pinaaawit kami ng mga bumihag sa amin. Inuutusan nila kaming sila ay aliwin. Ang sabi nila, “Awitan ninyo kami ng mga awit tungkol sa Zion!”
4Ngunit paano kami makakaawit ng awit ng Panginoon sa lupain ng mga bumihag sa amin?