3Pinaaawit kami ng mga bumihag sa amin. Inuutusan nila kaming sila ay aliwin. Ang sabi nila, “Awitan ninyo kami ng mga awit tungkol sa Zion!”
4Ngunit paano kami makakaawit ng awit ng Panginoon sa lupain ng mga bumihag sa amin?
5Sanaʼy hindi na gumalaw ang kanan kong kamay kung kalilimutan ko ang Jerusalem!
6Sanaʼy maging pipi ako kung hindi ko aalalahanin at ituturing na aking kaligayahan ang Jerusalem.
7Panginoon, alalahanin nʼyo ang ginawa ng mga taga-Edom nang lupigin ng Babilonia ang Jerusalem. Sinabi nila, “Sirain ninyo ito at wasakin nang lubos!”