Awit 139

Kilala ninyo ako, dahil kayo ang lumalang sa akin. Kayo ang humubog sa akin sa sinapupunan ng aking ina.

Psalm 139:13 (UKJV) For you have possessed my reins: you have covered me in my mother's womb.

11Maaaring mapakiusapan ko ang dilim na itago ako, o maging gabi ang liwanag sa paligid ko;

12subalit, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, Panginoon, at ang gabi ay parang araw. Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag.

13Kilala ninyo ako, dahil kayo ang lumalang sa akin. Kayo ang humubog sa akin sa sinapupunan ng aking ina.

14Pinupuri ko kayo sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin. Alam na alam kong ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.

15Nakita ninyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hubugin sa sinapupunan ng aking ina.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.