Awit 139

Alam ninyo lahat, maging ang pag-upo at pagtayo ko; Malayo man kayoʼy batid ninyo ang aking iniisip.

Psalm 139:2 (UKJV) You know my sitting down and mine rising up, you understand my thought far off.

1Panginoon, akoʼy inyong siniyasat at kilalang-kilala.

2Alam ninyo lahat, maging ang pag-upo at pagtayo ko; Malayo man kayoʼy batid ninyo ang aking iniisip.

3Akoʼy inyong nakikita nagtatrabaho man ako o nagpapahinga. Alam ninyo ang lahat ng aking ginagawa.

4Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita ay alam na ninyo ang aking sasabihin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.