1Panginoon, dinggin nʼyo ang aking panalangin. Dinggin po ninyo ang aking pagsusumamo. Tulungan po ninyo ako dahil kayo ay matuwid at tapat.
2Huwag nʼyong hatulan ang inyong lingkod, dahil walang sinumang matuwid sa inyong harapan.
3Tinugis ako ng aking mga kaaway. Tinalo ako at inilagay sa madilim na bilangguan; tulad ako ng isang taong matagal nang patay.
4Kaya nawalan na ako ng pag-asa, at punong-puno ng takot ang puso ko.
5Naalala ko ang inyong mga ginawa noong una; pinagbulay-bulayan ko ang lahat ng inyong ginawa.