6Itinaas ko ang aking mga kamay sa inyo at nanalangin, kinauuhawan ko kayo tulad ng tuyong lupa na uhaw sa tubig.
7Panginoon, agad nʼyo akong sagutin. Nawawalan na ako ng pag-asa. Huwag nʼyo akong layuan, baka akoʼy mamatay.
8Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin ang inyong pag-ibig, dahil sa inyo ako nagtitiwala. Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan na dapat kong daanan, dahil sa inyo ko ipinagkakatiwala ang aking buhay.
9Panginoon, iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway, dahil sa inyo ako humihingi ng kalinga.
10Turuan nʼyo akong sundin ang inyong kalooban, dahil kayo ang aking Diyos. Patnubayan sana ako ng inyong butihing Espiritu sa landas na walang kapahamakan.