8Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin ang inyong pag-ibig, dahil sa inyo ako nagtitiwala. Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan na dapat kong daanan, dahil sa inyo ko ipinagkakatiwala ang aking buhay.
9Panginoon, iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway, dahil sa inyo ako humihingi ng kalinga.
10Turuan nʼyo akong sundin ang inyong kalooban, dahil kayo ang aking Diyos. Patnubayan sana ako ng inyong butihing Espiritu sa landas na walang kapahamakan.
11Iligtas nʼyo ako, Panginoon, para kayo ay maparangalan. Dahil kayo ay matuwid, iligtas nʼyo ako sa kaguluhan.
12Alang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin na inyong lingkod, lipulin nʼyo ang aking mga kaaway.