11Iligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng mga dayuhang kaaway, na hindi nagsasabi ng totoo. Silaʼy sumusumpang magsasabi ng katotohanan ngunit silaʼy nagsisinungaling.
12Sana habang bata pa ang aming mga anak na lalaki ay maging katulad sila ng tanim na tumutubong matibay, at sana ang aming mga anak na babae ay maging tulad ng naggagandahang haligi ng palasyo.
13Sanaʼy mapuno ng lahat ng uri ng ani ang aming mga bodega. Dumami sana ng libu-libo ang aming mga tupa sa pastulan,
14at dumami rin sana ang maikargang produkto ng aming mga baka. Hindi na sana kami salakayin at bihagin ng mga kaaway. Wala na rin sanang iyakan sa aming mga lansangan dahil sa kalungkutan.
15Mapalad ang mga taong ganito ang kalagayan. Mapalad ang mga taong ang Diyos ang kanilang Panginoon.