1Purihin ang Panginoon! Karapat-dapat na purihin ang Panginoon.
2Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon. Aawitan ko ang aking Diyos ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.
3Huwag kayong magtiwala sa mga makapangyarihang tao o kaninuman, dahil silaʼy hindi makapagliligtas.