Awit 146

Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon. Aawitan ko ang aking Diyos ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.

Psalm 146:2 (UKJV) While I live will I praise the LORD: I will sing praises unto my God while I have any being.

1Purihin ang Panginoon! Karapat-dapat na purihin ang Panginoon.

2Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon. Aawitan ko ang aking Diyos ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.

3Huwag kayong magtiwala sa mga makapangyarihang tao o kaninuman, dahil silaʼy hindi makapagliligtas.

4Kapag silaʼy namatay, babalik sila sa lupa, at ang kanilang mga binabalak ay mawawalang lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.