2Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon. Aawitan ko ang aking Diyos ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.
3Huwag kayong magtiwala sa mga makapangyarihang tao o kaninuman, dahil silaʼy hindi makapagliligtas.
4Kapag silaʼy namatay, babalik sila sa lupa, at ang kanilang mga binabalak ay mawawalang lahat.
5Mapalad ang tao na ang tulong ay nagmumula sa Diyos ni Jacob, na ang kanyang pag-asa ay sa Panginoon, na kanyang Diyos.
6ang lumikha ng langit at lupa, ng dagat at ng lahat ng narito. Mananatili siyang tapat magpakailanman.