Awit 146

Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasamâ.

Psalm 146:9 (UKJV) The LORD perserves the strangers; he relieves the fatherless and widow: but the way of the wicked he turns upside down.

7Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi, at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom. Pinalalaya ng Panginoon ang mga bilanggo.

8Pinagagaling niya ang mga bulag upang makakita, pinalalakas ang mga nanghihina, at ang mga matuwid ay minamahal niya.

9Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasamâ.

10Mga taga-Zion, ang Panginoon na inyong Diyos ay maghahari magpakailanman. Purihin ang Panginoon!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.