5Mapalad ang tao na ang tulong ay nagmumula sa Diyos ni Jacob, na ang kanyang pag-asa ay sa Panginoon, na kanyang Diyos.
6ang lumikha ng langit at lupa, ng dagat at ng lahat ng narito. Mananatili siyang tapat magpakailanman.
7Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi, at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom. Pinalalaya ng Panginoon ang mga bilanggo.
8Pinagagaling niya ang mga bulag upang makakita, pinalalakas ang mga nanghihina, at ang mga matuwid ay minamahal niya.
9Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasamâ.