1Purihin ang Panginoon! Napakabuting umawit ng pagpupuri sa ating Diyos. Napakabuti at nararapat lang na siya ay purihin.
2Itinatayong muli ng Panginoon ang Jerusalem, at muli niyang tinitipon ang mga nabihag na Israelita.
3Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat.