8Pinupuno niya ng mga ulap ang kalawakan, at pinauulanan niya ang mundo, at pinatutubo ang mga damo sa kabundukan.
9Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at ang mga inakay na uwak kapag dumadaing ang mga ito.
10Hindi siya nalulugod sa lakas ng mga kabayo o sa kagitingan ng mga kawal.
11Ang Panginoon ay nalulugod sa mga may takot sa kanya at nagtitiwala sa kanyang tapat na pag-ibig.
12Purihin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos, kayong mga naninirahan sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem!