Awit 147

Makapangyarihan ang ating Panginoon. Ang kanyang karunungan ay walang hangganan.

Psalm 147:5 (UKJV) Great is our Lord, and of great power: his understanding is infinite.

3Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat.

4Ang bilang ng mga bituin ay kanyang nalalaman at ang bawat isa ay binigyan niya ng pangalan.

5Makapangyarihan ang ating Panginoon. Ang kanyang karunungan ay walang hangganan.

6Tinutulungan ng Panginoon ang mga inaapi, ngunit nililipol niya nang lubos ang masasama.

7Umawit kayo ng pasasalamat sa Panginoon. Tumugtog kayo ng alpa para sa ating Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.