8mga kidlat at ulan na yelo, niyebe, mga ulap, at malalakas na hangin na sumusunod sa kanyang utos,
9mga bundok, mga burol, mga punongkahoy na namumunga o hindi,
10lahat ng mga hayop, maamo o mailap, mga hayop na gumagapang at lumilipad.
11Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga hari, mga pinuno, mga tagapamahala, at lahat ng tao sa mundo,
12mga kabataan, matatanda at mga bata.