1Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Diyos sa kanyang templo. Purihin siya sa langit, ang kanyang matibay na tirahan.
2Purihin siya dahil sa kanyang mga dakilang mga gawa. Purihin siya dahil sa kanyang kapangyarihang walang kapantay.
3Purihin siya sa tunog ng mga trumpeta! Purihin siya sa saliw ng mga alpa at lira!
4Purihin siya sa tugtog ng mga tamburin at sumayaw. Purihin siya sa tugtog ng mga instrumentong may kuwerdas at mga plauta.