Awit 16

Sapagkat hindi ninyo pababayaan na mapunta ako sa lugar ng mga patay; hindi nʼyo hahayaang mabulok sa libingan ang matapat ninyong lingkod.

Psalm 16:10 (UKJV) For you will not leave my soul in hell; neither will you suffer yours Holy One to see corruption.

8Panginoon palagi ko kayong iniisip, at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.

9Kayaʼt nagagalak ang aking puso, at akoʼy panatag, dahil alam kong ligtas ako.

10Sapagkat hindi ninyo pababayaan na mapunta ako sa lugar ng mga patay; hindi nʼyo hahayaang mabulok sa libingan ang matapat ninyong lingkod.

11Itinuro ninyo sa akin ang landas patungo sa buháy na puno ng kasiyahan, at sa piling nʼyo, aking matatagpuan ang ligayang walang hanggan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.