9Kayaʼt nagagalak ang aking puso, at akoʼy panatag, dahil alam kong ligtas ako.
10Sapagkat hindi ninyo pababayaan na mapunta ako sa lugar ng mga patay; hindi nʼyo hahayaang mabulok sa libingan ang matapat ninyong lingkod.
11Itinuro ninyo sa akin ang landas patungo sa buháy na puno ng kasiyahan, at sa piling nʼyo, aking matatagpuan ang ligayang walang hanggan.