3Tungkol naman sa mga taong banal na nasa lupaing ito, lubos ko silang kinalulugdan.
4Ngunit ang mga piniling sumamba sa mga diyos-diyosan ay lalong mahihirapan. Hindi ako sasáma sa paghahandog nila ng dugo sa kanilang mga diyos-diyosan, at ayaw kong banggitin man lang ang pangalan ng mga ito.
5Panginoon, kayo ang lahat sa aking buhay. Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay. Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay.
6Ang mga biyayang kaloob nʼyo sa akin ay parang kaaya-ayang taniman. Tunay na napakaganda ng pamana nʼyo sa akin.
7Pupurihin ko kayo, Panginoon, na sa akin ay nagpapayo. At kahit sa gabiʼy pinaaalalahanan ako ng aking budhi.