Awit 16

Ngunit ang mga piniling sumamba sa mga diyos-diyosan ay lalong mahihirapan. Hindi ako sasáma sa paghahandog nila ng dugo sa kanilang mga diyos-diyosan, at ayaw kong banggitin man lang ang pangalan ng mga ito.

Psalm 16:4 (UKJV) Their sorrows shall be multiplied that hasten after another god: their drink offerings of blood will I not offer, nor take up their names into my lips.

2Sinabi ko sa Panginoon, “Kayo ang aking Panginoon. Lahat ng kabutihang nakamtan ko ay mula sa inyo.”

3Tungkol naman sa mga taong banal na nasa lupaing ito, lubos ko silang kinalulugdan.

4Ngunit ang mga piniling sumamba sa mga diyos-diyosan ay lalong mahihirapan. Hindi ako sasáma sa paghahandog nila ng dugo sa kanilang mga diyos-diyosan, at ayaw kong banggitin man lang ang pangalan ng mga ito.

5Panginoon, kayo ang lahat sa aking buhay. Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay. Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay.

6Ang mga biyayang kaloob nʼyo sa akin ay parang kaaya-ayang taniman. Tunay na napakaganda ng pamana nʼyo sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.