Awit 16

Sinabi ko sa Panginoon, “Kayo ang aking Panginoon. Lahat ng kabutihang nakamtan ko ay mula sa inyo.”

Psalm 16:2 (UKJV) O my soul, you have said unto the LORD, You are my Lord: my goodness extends not to you;

1O Diyos, ingatan nʼyo po ako, dahil sa inyo ako nanganganlong.

2Sinabi ko sa Panginoon, “Kayo ang aking Panginoon. Lahat ng kabutihang nakamtan ko ay mula sa inyo.”

3Tungkol naman sa mga taong banal na nasa lupaing ito, lubos ko silang kinalulugdan.

4Ngunit ang mga piniling sumamba sa mga diyos-diyosan ay lalong mahihirapan. Hindi ako sasáma sa paghahandog nila ng dugo sa kanilang mga diyos-diyosan, at ayaw kong banggitin man lang ang pangalan ng mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.