8Ingatan nʼyo ako katulad ng pag-iingat ng tao sa kanyang mga mata, at kalingain nʼyo gaya ng inahing manok sa kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak.
9Ipagtanggol nʼyo po ako sa aking mga kaaway na nakapaligid sa akin at nagtatangka sa aking buhay.
10Silaʼy mga walang awa at mayayabang magsalita.
11Akoʼy hinanap nila at ngayoʼy kanilang napapaligiran. Naghihintay na lamang sila ng pagkakataong itumba ako.
12Para silang mga leon na nakakubliʼt nag-aabang, at nakahandang sumakmal ng mga biktima.