8Umusok din ang inyong ilong, at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga.
9Binuksan nʼyo ang langit at kayoʼy bumabâ, at tumuntong sa maitim at makapal na ulap.
10Kayoʼy sumakay sa isang kerubin, at mabilis na lumipad na dala ng hangin.
11Ginawa nʼyong talukbong ang kadiliman, at nagtago kayo sa maitim na ulap.
12Mula sa ningning ng kanyang presensyaʼy lumitaw ang makakapal na ulap, at bumagsak ang mga yelo at nagliliyab na baga.