15Sa inyong tinig at matinding galit, natuyo ang dagat at nakita ang lupa sa ilalim nito, pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad.
16At mula sa langit akoʼy inabot nʼyo at inahon mula sa malalim na tubig.
17Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan.
18Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan. Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon.
19Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin.