Awit 18

Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin.

Psalm 18:19 (UKJV) He brought me forth also into a large place; he delivered me, because he delighted in me.

17Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan.

18Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan. Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon.

19Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin.

20Pinagpala nʼyo ako dahil akoʼy namumuhay sa katuwiran. Sa kalinisan ng aking kamay akoʼy inyong ginantimpalaan.

21Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban, at hindi ko kayo tinalikuran, Panginoon na aking Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.