24Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan, dahil nakita nʼyong matuwid ang aking pamumuhay.
25Tapat kayo sa mga tapat sa inyo, at mabuti kayo sa mabubuting tao.
26Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo, ngunit tuso kayo sa mga taong masama.
27Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba, ngunit ang nagmamataas ay inyong ibinababa.
28Panginoon kong Diyos, kayo ang nagbibigay sa akin ng liwanag. Sa gitna ng kadiliman kayo ang aking tanglaw.