Awit 18

Panginoon kong Diyos, kayo ang nagbibigay sa akin ng liwanag. Sa gitna ng kadiliman kayo ang aking tanglaw.

Psalm 18:28 (UKJV) For you will light my candle: the LORD my God will enlighten my darkness.

26Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo, ngunit tuso kayo sa mga taong masama.

27Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba, ngunit ang nagmamataas ay inyong ibinababa.

28Panginoon kong Diyos, kayo ang nagbibigay sa akin ng liwanag. Sa gitna ng kadiliman kayo ang aking tanglaw.

29Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo, at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan.

30Ang pamamaraan nʼyo, O Diyos ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga kumakanlong sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.