Awit 18

Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila, at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila.

Psalm 18:37 (UKJV) I have pursued mine enemies, and overtaken them: neither did I return till they were consumed.

35Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin. Inaakay nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, at dahil sa tulong nʼyo, naging tanyag ako.

36Pinaluwang nʼyo ang aking daraanan, kaya hindi ako natitisod.

37Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila, at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila.

38Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak, at hindi na makabangon sa aking paanan.

39Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban, kaya natalo ko ang aking mga kaaway.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.