36Pinaluwang nʼyo ang aking daraanan, kaya hindi ako natitisod.
37Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila, at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila.
38Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak, at hindi na makabangon sa aking paanan.
39Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban, kaya natalo ko ang aking mga kaaway.
40Pinaatras ninyo ang aking mga kaaway at pinatay ko ang mga galit sa akin.